Saturday, July 31, 2010

goodbye wowowee...

So Finally, nagkaroon na ng finality sa makontrobersyang Wowowee . Sa hinaba haba ng naging issue at controversies, maraming news na naglabasan , babalik , hindi babalik ..nagkaroon na ng kaliwanagan kahapo, sabado ng ilaunch ang Pilipinas: Win na Win. Hindi ko napanood ang buong launching ng programa, sandali na lang ang napanood ko so, i couldnt tell , how it went (as if naman , napakahalaga ng opinyon ko). At least, nagkaron na ng closure ang controversial na programa, and im sure nakahinga na ng maluwang and ibang co-host ng wowowee esp pokwang.Kase knowing willie revillame, na minsang power tipper, im sure, sa lahat ng naging issues, policitally man or showbiz, naging komplikadon na ang sitwasyon between willie and his former co-hosts. Kase for example, pokwang and marielle, supported noynoy, kabaligtaran ng sinuportahan ni willie, so may conflict na doon pa lang. Kaya nung pinag uusapan daw ang pagababalik ni willie and dameng mga conditions ni pappy, at kung ano man ang mga kondisyones na yun, only them know.

Monday, July 26, 2010

global truth

Napanood ko the other day yung " The Inconvenient Thruth ", isang documentary ni Al Gore about global warming. Very informative, kase it's all about facts, and take note,facts from scientists all over the world.Basically, it's all about global warming, moreover, its about how global warming affects the world, the ecosystem.For me , nakakatakot at nagbago yung ilang perspective ko sa buhay at maraming mga tanong ang naraise ko sa sarili ko. Tulad ng, mag-aanak pa ba kame? Kase, if ever, naisip ko pano na yung mga magiging anak ko pa, i dont kung magiguilty ako para kay matmat kase , kase nga 50 yrs from now, ewan ko kung ano ng status quo ng mundo naten.Sabe ni Al Gore, we really need to act immediately and that means , the soonest time possible, base sa mga nagdaang unos, talagang nararamdaman na naten ang epekto ng global warming, ang mga super typhoons na sobrang lalakas na talaga ngayun, ang matitinding tornado, heatwaves, lindol etc. Ang matinding paglaganap ng dengue outbreak ay may kinalaman daw sa global warming, ang matinding init sa sumisingaw sa lupa ang nagtutulak sa mga dengue carrying mosquitos na lumitaw sa mas mataas na lugar, at pati ang pagsulpot ng mga bago at matitinding sakit, tulad ng evola virus, at SARS etc ay bunsod na ring ng global warming.Ayon din sa pagsusuri ng mga experts, pati ang mga hayup ay sobrang affected na rin , dahil sa ibang parti ng mundo, ang migration ng mga ibon, ang pangingitlog ng ibang hayop ay nababago ng date dahil nga sa pabago bago ng panahon o seasons.Sa Japan ang dating 7 storms na nararanasan nila sa isang taong ay naging 10 na. Diba nga dito sa Philippines, dati ang tag-ulang hanggang september lang, ngayun hanggang pasko may bagyo.Ang mga glaciers sa antartic, sa ilang part ng alaska, italy, brazil ay natutunaw na, at masama daw ito dahil bukod sa , dinadagdagan ng mga natunaw na yelo ang tubig sa karagatan, ito din pala ang bumabalanse ng init na tumatama saten mula sa araw, dahil ito ang nagbibigay ng tamang lamig sa mundo to make it livable.Kaya kung napanood nyo ang the day after tomorrow at mga movies na katulad nito, talagang masasabe mong may pinagbasihan.So far, ang Kyoto Protocol pa lang ang malawakang kampanyang ginawa ng mga bansa sa mundo tungkol sa Global Warming, at may mga bansa pa ring hindi lumalahok dito....................to be continued

Thursday, July 1, 2010

inaguration

Kahapon, June 30th ang inaguration ng ating 15th president na si President Noynoy Aquino III.Hindi ko naumpisahan ang programa at may mga namiss akong highlights tulad ng pagkanta ni Charice ng Lupang Hinirang na ayon sa nanay ko ay maganda ang rendition nya dahil sinunod nya ang tamang tono, hindi daw tulad ng mga versions ng mga umawit sa mga laban ni Pacman. Hindi pa rin naman huli ang panonood ko kase marami din naman akong naabutan na importanteng parte ng program tulad ng panunumpa ng presidente at bise-presidente, ang inagural speech ni P'Noy, at mga fillers ng programa. Fillers, eto yung mga song numbers ng mga invited singers sa inugaration. Tinawag silang fillers, kase dahil nga napaaga ang dating ni P'Noy sa Quirino Grandstand, at maagang naumpisahan ang program, they need to insert at a lot of intermission numbers sa program kase kailangan pala , alas dose or lagpas ng alas dose dapat manumpa si P'Noy , dahil ito ang nakasaad sa batas. IN fairness , okay naman ang mga performances ng mga fillers, esp yung song numbers ni Noel Cabangun na alam naman nating kilala bilang, makabayang performer, dahil sa mga songs nyang talaga naman, makaPilipino, i can say, very inspiring ang mga songs nya,makakarelate ang mga taong nanonood sa kanya.Napansin ko din ang appearance ni Gary V. na hindi lingid sa kaalaman natin na sumuporta kay Eddie Villanueva. Marami ang nagsasabi na hindi nga ito traditional inaguration ,sabi din ng ilan ito daw ay people's inguration, very festive daw ang atmosphere sa QG, star-studed, well syempre, P'Noy is Kris' brother so, what do we expect. Marami ring mga trivials akong napansin sa event, tulad ng pag snob ni GMA kay Noynoy, may incident kase na inoffer ni P'Noy ang kanyang kamay ng paakyat at pababa si GMA sa flatform, ng ivevest na nya yung power kay P'Noy at binalewala ito ni GMA. Ang pagdating ni Vise-President Jejomar Binay sakay ng isang electric jeep.Naabutan ko din ang ingural speech ni P'Noy', hindi ko nga lang natapos . Wala syang hawak na kodiko, at talagang malaman ang kanyang mga binitiwang salita na ang ilan ay patama kay GMA, ilan sa mga nanotate ko sa kanyang speech ay ng sabihin nyang "ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung lahat tayo ay magpapasan ng krus, kakayaning natin ito", at isa pa sa nagustuhan ko sa sinabe nya ay "sa mga umapi saken during the campaign, pinatatawad ko na kayo,pero sa mga nagkasala sa taumbayan, wala akong karapatang saluhin ang mga kasalanan nyo " . Mpapansin mong talagang taimitim na nakikinig ang nga taong dumalo sa QG, mga naghihiyawan kapag malaman ang mga sinasabe ni P'Noy. Pero syempre, pare-pareho lang naman ang sentimyento ng taong ito na, nagpagod at nag aksaya ng oras sa QC, na sana mangyari lahat ng pangako ng bagong presidente, dahil para sa kanila at sa akin na din, si P'Noy ang kanilang pag-asa , na ang panunumpa ni Presidente Noynoy ang umpisa ng katapusan ng kahirapan , umpisa ng pagbabago para sa magandang kinabukasan ng bawat Pilipino. Yun nga lang, sana marealize din nating lahat, na ang lahat ng ito ay hindi nakasalalay sa pangulo lang, o sa pangalawang pangulo lang o sa gobyerno lang. Kailangan din ng bawat isa satin ang pagkilos, ang initiative, ang pagsisikap at pagtyatyaga at lalo na ang disiplina. C'mon, isa lang ang presidente naten, ang populasyon naten ay more or less 92M na, go figure.

Monday, June 14, 2010

ang vendo namen na bring your own mug


papercup

Ung coffee booth sa office namen before was using styro cups, so isa ako sa mga nag-email at nagsuggest to use paper cups instead and they did naman. Two reasons kung bakit for me mas okay ang paper cup- 1st health friendly, 2nd eco-friendly, kase nga paper, so recyclable sya. Pero kagabe , nagtry akong bumile ng paper cup sa coffee booth dahil ginawaga ko syang "mug ", sabe ng tindera, hindi na daw pwede, nagiimbentaryo na daw sila kase, aalisin na daw sila.Bakit? Kase may vendo machine na for coffee. I checked the vendo, nakakatuwa kase marami na syang pagpipilian na coffee flavors and i tried some, in fairview , masarap, parang starbucks esp yung coffee mocha,AND  WAIT! 5pesos only. But what caught my attention is yung karatula sa vendo na bring you own mug, hahaha... as in nakakatuwa.pero nacurious ako, bakit sobrang banned na si papercup .I did check our intranet at yes, bawal na nga sya sa floor, kase daw may plastic raisin daw ang paper cup na pag tinapon at napunta sa landfill, nagproproduce ng methane, na isa sa mga greenhouse gases na nagpapahirap sa earth dahil sa global warming. Imagine yung dating eco-friendly ngayun infriendly na.pero eco-friendly pa rin naman ang papercup for me kung maayos lang naitatapon, so it boils down pa rin siguro sa isang punto, sa disiplina naten mga madlang people.

Thursday, June 10, 2010

yes anything under the sun....at least i will try! c",)