Thursday, July 1, 2010
inaguration
Kahapon, June 30th ang inaguration ng ating 15th president na si President Noynoy Aquino III.Hindi ko naumpisahan ang programa at may mga namiss akong highlights tulad ng pagkanta ni Charice ng Lupang Hinirang na ayon sa nanay ko ay maganda ang rendition nya dahil sinunod nya ang tamang tono, hindi daw tulad ng mga versions ng mga umawit sa mga laban ni Pacman. Hindi pa rin naman huli ang panonood ko kase marami din naman akong naabutan na importanteng parte ng program tulad ng panunumpa ng presidente at bise-presidente, ang inagural speech ni P'Noy, at mga fillers ng programa. Fillers, eto yung mga song numbers ng mga invited singers sa inugaration. Tinawag silang fillers, kase dahil nga napaaga ang dating ni P'Noy sa Quirino Grandstand, at maagang naumpisahan ang program, they need to insert at a lot of intermission numbers sa program kase kailangan pala , alas dose or lagpas ng alas dose dapat manumpa si P'Noy , dahil ito ang nakasaad sa batas. IN fairness , okay naman ang mga performances ng mga fillers, esp yung song numbers ni Noel Cabangun na alam naman nating kilala bilang, makabayang performer, dahil sa mga songs nyang talaga naman, makaPilipino, i can say, very inspiring ang mga songs nya,makakarelate ang mga taong nanonood sa kanya.Napansin ko din ang appearance ni Gary V. na hindi lingid sa kaalaman natin na sumuporta kay Eddie Villanueva. Marami ang nagsasabi na hindi nga ito traditional inaguration ,sabi din ng ilan ito daw ay people's inguration, very festive daw ang atmosphere sa QG, star-studed, well syempre, P'Noy is Kris' brother so, what do we expect. Marami ring mga trivials akong napansin sa event, tulad ng pag snob ni GMA kay Noynoy, may incident kase na inoffer ni P'Noy ang kanyang kamay ng paakyat at pababa si GMA sa flatform, ng ivevest na nya yung power kay P'Noy at binalewala ito ni GMA. Ang pagdating ni Vise-President Jejomar Binay sakay ng isang electric jeep.Naabutan ko din ang ingural speech ni P'Noy', hindi ko nga lang natapos . Wala syang hawak na kodiko, at talagang malaman ang kanyang mga binitiwang salita na ang ilan ay patama kay GMA, ilan sa mga nanotate ko sa kanyang speech ay ng sabihin nyang "ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung lahat tayo ay magpapasan ng krus, kakayaning natin ito", at isa pa sa nagustuhan ko sa sinabe nya ay "sa mga umapi saken during the campaign, pinatatawad ko na kayo,pero sa mga nagkasala sa taumbayan, wala akong karapatang saluhin ang mga kasalanan nyo " . Mpapansin mong talagang taimitim na nakikinig ang nga taong dumalo sa QG, mga naghihiyawan kapag malaman ang mga sinasabe ni P'Noy.
Pero syempre, pare-pareho lang naman ang sentimyento ng taong ito na, nagpagod at nag aksaya ng oras sa QC, na sana mangyari lahat ng pangako ng bagong presidente, dahil para sa kanila at sa akin na din, si P'Noy ang kanilang pag-asa , na ang panunumpa ni Presidente Noynoy ang umpisa ng katapusan ng kahirapan , umpisa ng pagbabago para sa magandang kinabukasan ng bawat Pilipino. Yun nga lang, sana marealize din nating lahat, na ang lahat ng ito ay hindi nakasalalay sa pangulo lang, o sa pangalawang pangulo lang o sa gobyerno lang. Kailangan din ng bawat isa satin ang pagkilos, ang initiative, ang pagsisikap at pagtyatyaga at lalo na ang disiplina. C'mon, isa lang ang presidente naten, ang populasyon naten ay more or less 92M na, go figure.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment