Monday, July 26, 2010
global truth
Napanood ko the other day yung " The Inconvenient Thruth ", isang documentary ni Al Gore about global warming. Very informative, kase it's all about facts, and take note,facts from scientists all over the world.Basically, it's all about global warming, moreover, its about how global warming affects the world, the ecosystem.For me , nakakatakot at nagbago yung ilang perspective ko sa buhay at maraming mga tanong ang naraise ko sa sarili ko. Tulad ng, mag-aanak pa ba kame? Kase, if ever, naisip ko pano na yung mga magiging anak ko pa, i dont kung magiguilty ako para kay matmat kase , kase nga 50 yrs from now, ewan ko kung ano ng status quo ng mundo naten.Sabe ni Al Gore, we really need to act immediately and that means , the soonest time possible, base sa mga nagdaang unos, talagang nararamdaman na naten ang epekto ng global warming, ang mga super typhoons na sobrang lalakas na talaga ngayun, ang matitinding tornado, heatwaves, lindol etc. Ang matinding paglaganap ng dengue outbreak ay may kinalaman daw sa global warming, ang matinding init sa sumisingaw sa lupa ang nagtutulak sa mga dengue carrying mosquitos na lumitaw sa mas mataas na lugar, at pati ang pagsulpot ng mga bago at matitinding sakit, tulad ng evola virus, at SARS etc ay bunsod na ring ng global warming.Ayon din sa pagsusuri ng mga experts, pati ang mga hayup ay sobrang affected na rin , dahil sa ibang parti ng mundo, ang migration ng mga ibon, ang pangingitlog ng ibang hayop ay nababago ng date dahil nga sa pabago bago ng panahon o seasons.Sa Japan ang dating 7 storms na nararanasan nila sa isang taong ay naging 10 na. Diba nga dito sa Philippines, dati ang tag-ulang hanggang september lang, ngayun hanggang pasko may bagyo.Ang mga glaciers sa antartic, sa ilang part ng alaska, italy, brazil ay natutunaw na, at masama daw ito dahil bukod sa , dinadagdagan ng mga natunaw na yelo ang tubig sa karagatan, ito din pala ang bumabalanse ng init na tumatama saten mula sa araw, dahil ito ang nagbibigay ng tamang lamig sa mundo to make it livable.Kaya kung napanood nyo ang the day after tomorrow at mga movies na katulad nito, talagang masasabe mong may pinagbasihan.So far, ang Kyoto Protocol pa lang ang malawakang kampanyang ginawa ng mga bansa sa mundo tungkol sa Global Warming, at may mga bansa pa ring hindi lumalahok dito....................to be continued
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment